Kapitan ng barangay pinagbabaril ng riding in tandem

MALUBHANG nasugatan ang isang kapitan ng barangay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Malabon City, Sabado ng umaga.,Kinilala ang biktima na si Felimon Villanueva, 68, Barangay Chairman ng Tonsuya, na ginagamot sa isang ospital.,Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni pulisya na ganap na alas- 9:35 ng umaga nang mangyari ang pamamaril sa harap mismo ng bahay ng biktima sa kahabaan ng Perez St., Barangay Tonsuya.,Ayon sa pulisya, nilapitan ang biktima ng isa sa mga suspek at pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kayang katawan.,Agad na sumakay ang salarin sakay sa isang Honda Click na minamaneho ng isa pang suspek at agad na tumakas patungong E. Roque St. Brgy. Tonsuya.,Dinala ang biktima sa ospital ng mga rumespondeng kapitbahay.,Pinaghahanap na ang mga salarin habang iniimbestigahan ang motibo at nasa likod ng pamamaril.