Sunog sumiklab sa Baseco, Maynila

SUMIKLAB ang sunog sa Barangay 649 Baseco, Maynila ganap na alas-8 ng gabi nitong Huwebes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).,Ayon sa Coast Guard, nagdiskubre ng PCG substation Delpan ang sunog habang nagpapatrolya.,Sinabi pa ng PCG na agad na tinawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) para humingi ng tulong, habang inalerto naman ang mga barko at iba pang sasakyang pandagat na malapit sa sunog.,Idineklarang naapula ang sunog matapos ang apat na oras.,Wala namang naitalang nasugatan o nasaktan sa sunog.,Inaalam pa ang lawak ng pinsala ng nangyaring sunog.